June 3, 2010 Abante Issue, Arnold A. Clavio write: Simple lang, Noy!
“Kung ayaw mo! Huwag mo!! Yan naman ang dapat ipukol pabalik sa nagmamaktol na susunod na pangulo ng bansa na si Sen. Noynoy Aquino 111 kaugnay ng isyu ng pagtigil niya sa paninigarilyo. Hayaan na natin siyang mamaho habang kausap nya ang ilang foreign dignitaries.
Pabayaan na nating dumumi ang kanyang ngipin o ang malala ay dapuan siya ng kanser sa lalamunan, sa dila, sa ngalangala, sa gilagid, sa baga at kung saan pa. Kung hinde nya mahal ang 13mil na mahigit na Pilipinong bumoto sa knya, bahala ka na! Kung hinde nya mahal ang 90 mil populasyon n mga kababayan niya, bahala na rin sya! Ngayon mag-isip siya bilang pangulo. nangungunang dahilan ng kamatayan ng bawat Pilipino ang painigarilyo at mga kumplikasyong dulot nto. Kung wala kang pakialam doon, nasan ang iyong pagkalinga?
Maging sa mga taong nakapaligid sa iyo na hinde naninigarilyo pero kailangan tiisin na malanghap ang usok na ibnubuga mo, Konsensya mo at pananagutan anumang sakit ang kumapit sa kanya! Hindi naman sinabing agad agad ay tumigil ka! Hinde naman kami tanga para ipilit iyon. Ayon sa batas, bawat government office ay smoke free. Mahirap bang maunawaan na sa loob ng palasyo ng Malakanyang bawal ang manigarilyo?
Simpleng bagay lang katulad ng BISYO ng paninigarilyo, sumusuko na agad? Papaano pa ang mas malalim na mga usapain tulad ng lupain sa Luisita? Isang iritableng pangulo din ang haharap sa atin.
Natatandaan ko ng mangako si dating Pres. Joseph Estrada na titigil na sya sa pag inom. alam ng marami na mahirap tuparin yun. Pero gumawa sya ng paraan para maging disente sa mata ng publiko dahil isa n syang pangulo. Ang kanyang GINAWA? sa isang tasa ng kape niya nilalagay ang paborito nyang brandy!
Tsk! Tsk! tsk! Kung wala kang pagpapahalaga sa sarili mong kalusugan, papaano mo mapapangalagaan ang kalusugan ng iba?
Lord kayo na po ang bahala…”
MY TAKE: Si Arnold Clavio ng GMA 7, pinoproblema niya ang health ni Noynoy, para ba namang di siya overweight at kailangan din niyang mag ingat. Bakit si Ramos dati, di naman siya nagmaktol? Para ba naman siyang bulag at nagka amnesia na si Erap ay lasenggo during his presidency. Di na lang natin problemahin yan, ang importante mabibigyan niya ng hustisya ang pagiging bachelor president. Huling hirit na iyan Clavio ha?
0 comments:
Post a Comment
Please drop me a line: