Sunday

Jokes to break the monotony of life

Sunday
Si Santino dinala ni Father Ringo sa dentista para magpabunot ng ngipin…

Santino: Father Ringo takot ako sa bunot eh!
Father Ringo: Heto gamot pampalakas ng loob.

At uminom nga ng gamot si Santino…

Dentista: O ano Santino, matapang ka na ba?
Pasyente: Opo Doc, ‘pag may gumalaw sa ngipin ko gugulpihin ko!

***

Guro: Santino, 4+5?
Santino: Nine po!
Guro: Good… 5+4?
Santino: 6 po!
Guro: Mali.Binaligtad ko lang naman ang tanong ah?
Santino: E, Ma’am, binaligtad ko rin po ang sagot!

***

Habang hinahatid ni Kuya Cocoy si Santino sa school ay napansin nito na talon ng talon ang bata at inaalog ang sarili.

Kuya Cocoy: Ano ba Santino? Bakit kanina ka pa talon ng talon diyan?

Santino: Nakalimutan ko po kasing i-shake yong buti ng gamot na ininom ko kanina.

***

Si Santino ay isinama ni Father Anthony sa palengke para naman di ma-bored ang bata sa monasteryo. Pagkatapos mamalengke, nagpunta sila sa kusina para ayusin ang kanilang pinamili.

Father Anthony: Santino, iligpit mo na ang mga pinamili natin at marami pa tayong gagawin.

Santino: Opo Father.

Maya-maya…

Santino: Father Anthony, saan po ilalagay ito, sa altar ni Bro?

Father Anthony: Ano ba yon?

Santino: Ito po!

Hawak-hawak ni Santino ang cauliflower!

***

Si Ato at si Aling Baby ay nagkaanak na at pinabinyagan nila ito doon sa monasteryo. Excited ang lahat lalo na si Fr. Chris na inatasang magbinyag sa baby. During the baptismal rite, Si Santino ang sacristan…

Fr. Chris: Hehehe, ang lambot naman ng ulo ng bata…

Santino: (to the rescue) Father Chris, dede po ni Aling Baby ang kin-rusan ninyo!

***

Santino nakita ang isang lola na baliw at gustong pumasok sa bakuran ni Mayor…

Santino: Lola, huwag po kayong pumasok diyan! Baka makagat po kayo ng aso!

Lolang Baliw: Alam ko iho. Sa tanda kong ito, wala pa akong nakitang aso na nanununtok…adik ka ba?

Hehe, ang taray ng lola…

***

Matutulog na sana sina Father Jose at si Santino nang bigla na lang may mga lamok na pumasok sa kulambo. Mag-aalas dose na at di pa rin sila nakatulog. Naantok na si Father Jose pero disturbo kasi talaga ang lamok…

Santino: Father, hindi ako makatulog kasi maraming lamok…

Father Jose: Hehe, patayin natin ang ilaw para di tayo makita.

Pagpatay ni Father Jose ng ilaw, may nakita si Santino na isang alitaptap.

Santino: Hala Father Jose, ang lamok may dalang flashlight!

***

Si Fr. Anthony tuwang-tuwa na nagkwento kay Santino…

Fr. Anthony: Santino, galing ako sa doctor. Nakabili ako ng hearing aid. Grabe, ang lakas na ng pandinig ko!

Santino: Talaga po? Magkano po ba ang hearing aid?

Fr. Anthony: Siyempre, kahapon lang!

Hehe. Mali yata ang narinig…

***

May killer nagpunta sa monasteryo at nangumpisal sa matandang pari na si Father Anthony….

Killer: Father, mangungumpisal po ako.

Fr. Anthony: Ano kasalanan mo anak?

Killer: Father pumatay na po ako ng 20 tao…

Fr. Anthony: Bakit?

Killer: Kasi sila po naniniwala sa Diyos…Kayo po ba Father naniniwala po ba kayo sa Diyos?

Fr. Anthony: Ahmmm, eh, dati yon. Ngayon trip trip lang!

****

Art subject ni Santino…

Teacher: Santino, ano ba itong drawing mo na isda? Di ko na makilala sa kabubura mo!!! Bangus ba ito?

Santino: Hindi po Ma’am!

Teacher: Ano nga ito? Tilapia?

Santino: Hindi rin po Ma’am!

Teacher: GRRRR!!!! (Galit na!) Annnnoooo ngaaaa itoooooo???? Lapu-lapu?

Santino: Bagoong Ma’am
------------

Santino nahuli may kodigo…

Teacher: Ano ito?

Santino: Prayer ko po yan Maam

Teacher: Eh bakit answers ang nakasulat?!!!

Santino: HALA!!.Sinagot na ni bro ang prayer ko!! Thank you bRo..

****

Santino: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!

Mayor: Eh ako, sino?

Santino: Si DACOS!

Mayor: Dacos? Sino ‘yun!

Santino: Dacos of all my sorrows!

****

Ato: Sobrang tabatsoy na ang misis ko kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya….

Santino: Ano’ng resulta?

Ato: Nabawasan ng 10 kilos ‘yung kabayo!

****

Santino, dahil sa sobrang likot, ay nakarating sa gubat. Bigla na lang bumulaga sa kanya ang isang malaking lion at gusto siyang kainin.

Santino: Bro, sana po maging Kristiyano poi tong lion na ito…

Lion: (biglang nagsalita) Bless us o Lord and this your gift through Christ our Lord. Amen!

***

Si Santino gusto magpabili ng relos sa mga fathers ngunit ayaw muna siyang bilhan ng mga ito. Isang araw, habang sila ay nagba-bible sharing…

Padre Jose: Ngayon, ating sambitin three times ang mga word or words na naka-struck sa ating pagbabasa ng Bible.

Padre Ringo: Heaven…heaven…heaven…

Padre Anthony: Always…Always…Always…

Santino: Watch…watch…watch…

***

Santino nagbukas ng Bible at binasa ang Genesis creation story kung saan kinain ng unang dalawang tao ang prutas sa gitna ng paraiso. Nang buksan niya ang kasunod na pahina, may nakita siyang dahong tuyo na nakaipit. Punta agad siya kay Father Anthony…

Santino: Father, may nakita po ako dito sa Bible Father…

Father Anthony: Ano yong nakita mo Santino?

Santino: Underwear po ni Adan!

***

Santino nagpunta sa tindahan ni Ato at ni Aling Baby….

Santino: Pabili po ng apple.

Aling Baby: Wala kaming apple.

Kinabukasan…

Santino: Pabili nga po ng apple.

Aling Baby: Wala nga kaming apple! Isa pang tanong mo at iistepler ko na yang bibig mo!

Kinabukasan…

Santino: May istepler po kayo?

Aling Baby: Wala kaming istepler. Bakit?

Santino: Pabili nga po ng apple. (hehe kulit talaga!)

***

Si Padre nagsesermon…

Padre Jose: Nakakalungkot ang mga kabataan ngayon, tawag sa ina, ermat. At sa ama, erpat.

Santino: (sumabat!) Father! Father! May nag-aaway po sa labas!

Padre Jose: Pumasok ka dito sa loob at baka madamay ka pa dyan. Pabayaan mo na lang ang mga “Parak” dyan hehehehe… l

***

Teacher: Class naniniwala ba kayo na may Diyos?

Class: Opo

Teacher: Nakita nyo na ba ang Diyos?

Class: Hindi pa po!

Teacher: Kung ganoon walang Diyos

Santino: Teka mga classmates aapela ako,, naniniwala ba kau na may utak si SIR?

Class: Oo naman..

Santino: Nakita nyo na ba ang utak ni SIR?

Class: Hindi pa…

Santino: Kung ganoon walang utak si SIR… (Hehehe)

***

Padre Jose, nagtu-tutor kay Santino…

Padre Jose: Santino, meron akong isang pirasong karne, hinati ko. Ilan na lang ang natira?

Santino: 2 po, Father.

Padre Jose: Hinati ko pa!

Santino: 4 po!

Padre Jose: Hinati ko pa!

Santino: 8 po!

Padre Jose: hinati ko pa uli!

Santino:16!

Padre Jose: Hinati ko pa uli!

Santino: 32!

Padre Jose: Hinati ko pa uli!

Santino:64 na po!

Padre Jose: Hinati ko pa uli nang dalawang beses!

Santino: (Naasar na!) Giniling na poh ang karne ninyo!

0 comments:

Post a Comment

Please drop me a line: